Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkamatay ng mga magsasaka sa Kidapawan, di makatarungan

(GMT+08:00) 2016-04-14 19:05:35       CRI

Mga banyagang investor, interesado sa Pilipinas

MANGANGALAKAL, INTERESADO SA BANSA. Sinabi ni Director General Lilia de Lima na hinahanap ng mga mangangalakal ang mga manggagawang Filipino. Tumataas ng mula lima hanggang waleng porsiyento ang biläng ng mga nagtatayo ng negosyo sa loop ng mga special economic zones. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Philippine Economic Zone Authority Director General Lilia De Lima na patuloy na umiinit sa mata ng mga mangangalakal na banyaga ang Pilipinas sapagkat marami ang mga intresadong maglagak ng mga pagawaan sa mga special economic zones.

Ipinaliwanag ni Atty. De Lima na ang isa sa mga dahilan ay ang magagaling na manggagawang Filipino. Lumalago ng may lima hanggang walong porsiyento ang mga kalakal na pumapasok sa bansa.

Manufacturing ang nangunguna at sumusunod sa Information Technology. Madali umano ang set-up ng mga IT establishments kaya't lumalago ang mga ito.

Sa panayam bago naganap ang All New Innova Roll-Off Ceremony sa Toyota Special Economic Zone na dinaluhan ni Atty. De Lima bilang panauhing pandangal, kailangan umanong napabilis pa ang serbisyo ng internet sapagkat mahalaga ang connectivity sa mga kumpanya.

Ang mataas na presyo ng kuryente ay maaaring maibsan sa pagpasok ng renewable energy sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Unang naglingkod si Atty. De Lima sa PEZA mula noong 1995 sa ilalim ni Pangulong Fidel V. Ramos at nagpatuloy hanggang sa maging pangulo sina Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Simeon C. Aquino III.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>