|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, binuksan ang Pilipinas sa mga base military
INAKUSAHAN ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng pagbubukas ng bansa sa mas maraming base militar ng Estados Unidos sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at America.
Sa isang pahayag, sinabi ng BAYAN, na nagsabi na si US Defense Secretary Ash Carter bago dumalaw sa Pilipinas na nagbabalak ang America na magtayo ng mas maraming base sa Pilipinas liban sa limang napagkasunduan ng dalawang bansa sa ilalim ng EDCA.
Sa panayam ng "Stars and Stripes," isang pahayagang Americano, sinabi ni G. Carter na umaasa siyang madaragdagan ang bilang ng mga base ng America sa Pilipinas.
Simula pa lamang ito sapagkat nasasaad sa kasunduan na magkakaroon ng mas maraming pook sa mga susunod na panahon at initial sites lamang ang nabanggit sa kasunduan.
Kinondena ng BAYAN ang Aquino Administration sa pag-asa sa America upang maibsan ang mga pangamba sa nagaganap sa South China Sea.
Makikilala ang Aquino government sa kasaysayan na administrasyong nagbukas ng daan para sa mga base militar ng ibang bansa.
Ayon kay Renato Reyes, Jr., BAYAN Secretary General na nais mabawi ng America ang kanilang "aircraft carrier" sa dagat Pasipiko.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |