Senador Guingona, nababahala sa naganap sa Kidapawan
NABABAHALA si Senador Teofisto Guingona III sa naganap sa Kidapawan noong nakalipas na linggo. Sa kanyang pahayag sa pagsisimula ng public hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights, sinabi niyang nangangamba siya sa pagkasawi ng ilan at pagkakasugat ng higit sa isang daan katao.
Umaasa siyang makakamtan ang mga kasagutan sa mga pangamba at pagkabahala ng nakararami sapagkat isinailalim na ang Kidapawan sa state of calamity noong Enero dahilan sa El Nino. Marapat bang paputukan na lamang ang mga magsasaka? Marapat bang halughugin ang simbahan ng mga pulis?
Isinasagawa ang pagdinig hindi upang humusga subalit makiisa sa mga taga-Mindanao sa paghahanap ng katarungan para sa mahihirap, dagdag pa ni Senador Guingona.
1 2 3 4 5