|
||||||||
|
||
Hold departure order, hindi na kailangan
HINDI na kailangan ang paglalabas ng hold departure order laban sa mga opisyal at kawani ng SMARTMATIC sapagkat wala silang balak na umalis ng bansa hanggang hindi nalulutas ang kontrobersya sa pagbabago ng transparency script.
Ito ang sinabi ni Atty. Karen Jimeno, pinuno ng voters' education ng Smartmatic. Handa umanong lumahok sa anumang imbestigasyon ang kanyang mga kasama upang maliwanagan ang lahat.
Iginagalang nila ang memorandum ni Commissioner Rowena Guanzon subalit hindi na kailangan pa ang hold departure order sapagkat wala naman silang balak na lumabas ng bansa.
Kahapon ay lumiham si Commissioner Guanzon sa kanyang mga kasama na pagbawalan ang sinuman sa Smartmatic na lumas ng bansa samantalang may imbestigasyong isinasagawa.
Pinuna ni Commissioner Guanzon ang mga pagkukulang ng Smartmatic sapagkat hindi sila sumunod sa protocols ng magkaroon ng pagbabago sa ilang tipo noong gabi ng Lunes.
Ayon kay Commissioner Guanzon, ginagawa lamang ni Atty. Jimeno ang kanyang trabaho subalit kailangang maging maingat sa kanyang pananalita.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |