|
||||||||
|
||
Pagbabalik ng National Food Authority at iba pang ahensya sa Department of Agriculture, hiniling
MAKABUBUTING pawalang-saysay ang isang executive order ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na naglipat ng poder mula sa Department of Agriculture sa tatlong mahahalagang tanggapan.
Ayon kay incoming Agriculture Secretary Emmanuel Pinol, ang mga nararapat ibalik sa Department of Agriculture ay ang National Food Authority, National Irrigation Administration, Philippine Coconut Authority at Fertilizer and Pesticide Authority.
Ani G. Pinol, irirekomenda niya kay G. Rodrigo Duterte na pawalang-bisa ang executive order ni Pangulong Aquino. Idinagdag pa niya na ang kawalan ng koordinasyon ang nagiging dahilan ng 'di na kailangang paggasta at nagiging daan ng katiwalian.
Magugunitang naging Presidential Assistant for Food Security and Agriculture Modernization si Francisco "Kiko" Pangilinan. Mawawala na ang posisyong ito sa oras na mapawalang-saysay ang Executive Order No. 165.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |