|
||||||||
|
||
Alok ni Mayor Duterte, nararapat tanggapin
SINABI ni Professor Clarita Carlos ng University of the Philippines na nararapat tanggapin ng Communist Party of the Philippines ang paanyaya ni Mayor Rodrigo Duterte na lumahok sa pamahalaan at maglingkod bilang mga kalihim.
Ani Professor Carlos sa isang panayam, kailangang tanggapin nila sapagkat may demokrasya sa Pilipinas at ang mga mamamayan ay naghihintay lamang ng magagandang magaganap.
Magugunitang sa isang press conference kahapon, sinabi ni G. Duterte na iaalok niya ang posisyon ng pagka-kalihim sa agrarian reform, labor, social welfare at environment and natural resources kung lalahok sila sa kanyang pamahalaan.
Sinabi niyang ang mga kasapi ng CPP ay mapupwesto kung sila ang kwalipikado.
Ipinaliwanag pa ni Prof. Carlos na walang anumang problema kung walang hadlang na legal. Idinagdag pa niya na si G. Duterte ay isang abogado kaya't nararapat na batid niya ito.
Si Prof. Carlos ay pangulo ng Center for Asia Pacific Studies, Inc. at makabubuti para sa mga komunistang nasa ibang bansa na umuwi na at tumulong na baguhin ang bansa.
Hindi nararapat maging isyu ang paghirang ni G. Duterte sa kanyang mga kaibigan sa pamahalaan. Inihambing niya ito sa kanyang pagkuha sa mga dating estudiaynte sapagkat batid niya ang kanilang kakayahan. Isang malaking problema ang haharapin ni G. Duterte kung ang kanyang hihirangin ay kapos sa kakayahan at walang anumang alam sa kanilang trabaho.
Maaaring magbago pa ang mga pahayag ni G. Duterte sa mga usaping may kinalaman sa foreign relations at ganoon din sa mga mangangalakal. Kahit umano si Pangulong Bill Clinton ay nagbago ng pananaw mula ng maluklok na pangulo at nagbago ng paninindigan mula sa kanyang mga pahayag noong nangangampanya pa siya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |