http://mod.cri.cn/fil/podcast/sw20160517chang.m4a
|
Ngayong gabi, isang beteranong man-aawit ng Taiwan ang pag-uusapan natin. Siya ay si Phil Chang, "Zhang Yu." Isinilang si Chang noong 1967, at siya ay naging kilala mula noong 1990's. Bukod sa pagkanta, siya rin ay kilalang music producer, host at actor. Marami ang kanyang awit at kabisado ng mga Tsino ang lyrics ng mga ito, Halimbawa, "Yong Xin Liang Ku"(用心良苦) "Yu Yi Zhi Xia" (雨一直下) at "Yue Liang Re De Huo"(月亮惹的祸).
Noong 1990's, Si Chang ay isang estudyante sa kolehiyo, at kahit ang kanyang medyor ay "banking," nagustuhan niya ang pagkanta. Kaya, sinimulan niyang kumanta sa club, bar at restawran. Sa panahong iyan, binago ni Chang ang kanyang Chinese name: dati, ang kanyang pangalan ay "Zhang Boxiang," tapos, ginamit niya ang "Zhang Yu" bilang Chinese name. Ang bagong pangalan ay binigay ng kanyang girlfriend——Xiao, sila ay schoolmate sa high school at naging mag-on mula 17 taon gulang. Kapuwa nila gusto ang musika, at may talento si Xiao sa paglikha ng lyrics. Siya ang sumusulat ng lyrics ng mga kanta ni Chang. Noong 1997, sila ay nagpakasal at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pagsasama at partnership sa musika. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, halos lahat ng mga pinakapopular awit ni Chang ay sinulat ni Xiao. Magkasamang nilang nilikha ang isang awit hinggil sa "marriage," siyempre, sinulat ni Xiao ang lyrics at nilikha naman ni Chang ang himig. Ang awit na ito ay naging isa sa mga pinakapopular na wedding song sa Tsina. Pakinggan natin, "Gei Ni Men" "Para sa Inyo."
Noong 1992, habang kumakanta sa club, natuklasan ng isang producer si Chang, at dahil dito lumagda siya ng contract sa record company. Noong 1993, ipinalabas niya ang kauna-unahang album, at pagkaraan ng ilang buwan, ipinalabas muli ang kanyang ika-2 album. Sobrang matagumpay ang album na ito dahil sa isang awit ——"Yong Xin Liang Ku," na nangangahulugang "intentioned." Si Chang ay mabilis na naging kilala.
Noong 1998, naglabas siya ng album na pinamagatang "Moon, Sun". Walong-daang libong album ang naibenta noong taong iyon sa Taiwan. Ang isang awit sa album na ito ay naging isa sa kanyang masterpiece. Ang title ng awit ay hinggil sa buwan, o "Yue Liang Re De Huo"(月亮惹的祸). Sa Ingles, "troublesome moonlight."
Kinanta ni Chang ang theme song para sa maraming pelikula at TV drama, ang narinig nating awit na "troublesome moonlight" ay theme song ng isang TV drama ng Hong Kong. Noong 2012, ipinalabas sa mainland ang isang TV dramang "Xinshu." Ang kuwento ay hinggil sa mga doctor, at ito ay naging pinaka-popular TV drama sa panahong iyan. Kinanta rin ni Chang ang theme song para sa dramang ito, at ang awit na may parehong titulo ay naging kilala rin. Pakinggan natin ang "Xinshu."