![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Hiwaga ang bumabalot sa autopsy na ginawa sa mga biktima
HINDI mawari ng mga autoridad kung ano ang ginawa ng mga nasawi sa isang outdoor concert sa labas ng SM Mall of Asia. Ayon sa National Bureau of Investigation, lumalabas na maihahambing sa uminom sila ng pampasabog.
Ayon sa NBI medico-legal officer na si Wilfredo Tierra, dumugo ang internal organs na kakaiba sa mga kasong dumaan sa kanila. Halos lahat ng internal organs ay apektado mula sa utak, baga, bituka, lapay at maging sa bato.
Idinagdag ng manggagamot na kung anuman ang kanilang ininom, sapat na ito upang mapinsala ang lahat ng kanilang internal organ na kinakitaan ng pagkapinsala ng mga ugat.
Ang lubhang ikinagulat ni Dr. Tierra ay ang kalagayan ng mga puso ng dalawang biktima na pinaghalong kulay kape, pula at itim na maihahambing sa inihaw.
Ito umano ang kauna-unahang pagkakaroon ng makakita ng ganitong larawan sa kanyang mga autopsy na ginawa sa nakalipas na 20 taon. Kakaibang uri ng atake sa puso ang ikinamatay sapagkat lahat ng bahagi ng puso ang napinsala.
Unang ibinalita na nasawi sina Bianca Fontejon 18 taong gulang at Lance Garcia na 36 taong gulang dahil sa atake sa puso. Idinagdag pa ni Dr. Tierra na hindi lamang atake sa puso ang ikinasawi ng mga biktima. Namaga rin ang mga utak ng mga biktima. Hindi pa tapos ang final report sapagkat gagawin pa ng NBI forensic division ang ulat hinggil sa toxicology at dangerous drugs tests.
Ginawa rin ang autopsy sa dalawang iba pang biktima, sina Anthony Miller at Ken Migawa na umano'y nasawi dahil sa atake sa puso.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |