Death penalty, malamang makabalik
MALAMANG na makabalik ang parusang kamatayan kung susuportahan lamang ng pangulo at mga lider ng kongreso. Ito ang sinabi ni Senador Vicente "Tito" Sotto III.
Ayon kay Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez, ang napipisil na Speaker of the House ni G. Rodrigo Duterte, na maipapasa ng Kongreso ang panukalang bataas na magbabalik ng parusang kamatayan sa loob ng isang taon. Sa isang text message sa mga tagapagbalita, sinabi ni Senador Sotto na magagawa ang bagay na ito kung susuportahan lamang ng pangulo at ng mga pinuno ng kongreso.
Nagdadalawang-isip naman si Senador Franklin Drilon sapagkat wala pang masasabing liderato sa Senado. Anang senador, makikinig siya sa magkabilang panig sa isyu. Sinabi naman ni Senador Sonny Angara na makikinig rin siya sa lahat ng panig sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.
Idinagdag pa ni Senador Angara na nararapat kumilos ang kongreso sa mga hakbang na makabubuti para sa law enforcement at justice system kasabay ng death penalty proposals.
1 2 3 4