Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malawakang balasahan, naka-amba sa ilalim ni G. Duterte

(GMT+08:00) 2016-05-26 18:41:47       CRI

Karaniwang pulis, may tahanang pang-general

KAKAIBA ang nadiskubre ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ng salakayin ang tahanan ng isang PO2 Jolly Aliangan sapagkat napakaluho ng kanyang pamumuhay.

Sumalakay ang mga tauhan ng NBI kahapon at nakatagpo ng may P 7 milyon at shabu sa kanyang marangyang tahanan sa Sampaloc, Maynila. Mula umano ang droga sa isang sindikato na pinatatakbo ng isang pinuno't nasa New Bilibid Prison.

Idinagdag pa ng NBI na si Aliangan, isang anti-narcotics officer mula sa National Capital Region Police Office ang kinikilala ng NBI sa pagbabangketa ng droga. Nangangahulugan ito ng pagbibenta ng illegal na drogang mula sa mga nasamsam at iniingatan ng pulisya.

Ayon kay Max Salvador, director ng NBI sa National Capital Region, ang pulis ang nagdadala ng droga mula sa isang drug lord na nasa loob ng New Bilibid Prison. Nadakip si Aliangan sa kanyang tahanan sa Palawan Street sa Sampaloc.

Tumanggi si Salvador na kilalanin o pangalanan pa ang drug lord subalit sinabing isa siya sa 19 na bilanggong inilipat sa labas ng NBI headquarters sa serye ng mga pagsalakay sa marangyang tahanan.

Dinakip din ang kanyang maybahay na si Ronalie na nadakip ng NBI elements na nagtatapon ng shabu sa loob ng palikuran. Hindi pa mabatid ng NBI kung gaano ang halaga ng drogang natangpuan at nabawi.

Ayon kay NBI Deputy Director Rommel Vallejo na isinasalilalim sa surveillance sa nakalipas na tatlong buwan ang tahanan bago kumuha ng search warrant. Tila umano tahanan ng isang general ang bahay ng pulis.

Ang isang Police Officer Second Class at tumatanggap pa ng sahod na P23,000 bawat buwan. Kahit umano ang meubles ay napaka-mahal at kahit anong eksena, ay lumalabas na kagulat-gulat naman ang karangyaan.

Tatlong palapag ang tahanan ni PO2 Aliangan at lumalabas na pag-aari ng isang police general. Dalawa rin ang kanyang sasakyang nakaparada sa loob ng compound at ang mga ito ay isang Toyota Altis at Fortuner. May ilan ring mga baril, plaka ng mga sasakyan at ibang sachets ng shabu ang natagpuan sa kanyang sasakyan.

Supplier umano ng shabu si Aliangan sa kanyang barangay samantalang isa lamang siya sa mga naghahatid ng supply sa iba't ibang bahagi ng Maynila.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>