|
||||||||
|
||
160721melo.mp3
|
Dating Pangulong Arroyo, lalaya na mula sa hospital arrest
HIRAPANG naglalakad sa kanyang silid sa Veterans Memorial Medical Center si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo samantalang naghihintay ng kautusang magpapalaya sa kanya sa hospital detention sa nakalipas na limang taon.
Nananatili pa umano ang sakit sa kanyang batok samantalang nakapiit sa hospital suite at nakasuot pa ng brace. Pinawalang-saysay na ng Korte Suprema ang usaping plunder na inihain naman ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Gng. Arroyo na hindi naman niya ginagamit ang kanyang brace sa loob ng maghapon at magdamag sapagkat lalong titigas ang kanyang kalamnan.
Nagpadala na ang Office of the Chief Justice ng sipi ng main decision at dissenting opinions ng mga magistrado sa Office of the Clerk of Court kaninang pasado ala-una ng hapon.
Ang mga dokumento ay dinala sa SC process server na si Benjamin Anonuevo na patungo na sa Sandiganbayan kanina upang dalhin ang Notice of Judgment at desisyon.
Ang Sandiganbayan na naglitis kay dating Pangulong Arroyo ang magpapadala ng sheriff sa Veterans Memorial Medical Center upang ipatupad ang kautusan.
Nagmula ang usapin sa sinasabing paglustay ng may P 366 milyon sa intelligenge funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Isinangkot si Gng. Arroyo sa kanyang marginal notes sa kahilingan ng paglalabas ng pondo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |