|
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga manggagawa sa ibang bansa, tumaas pa
UMABOT sa halagang US$ 12 bilyon ang naipadalang salapi ng mga manggagawang Filipino sa unang limang buwan ng taon. Ang salaping ipinadala noong Mayo ng taong ito ay umabot sa US$ 2.4 bilyon na kinakitaan ng dagdag na 1.8%.
Sa pagsusuma, ang personal remittances mula Enero hanggang Mayo ng 2016 ay tumaas ng may 2.7% at nakamtan ang halagang US$ 12 bilyon.
Ito ang masayang ibinalita ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. ang patuloy na paglago ng padalang salapi ng mga manggagawa ay mula sa land-based overseas Filipino workers na may mga kontratang higit sa isang taon at umabot sa US$ 9.2 bilyon samantalang ang naipadala ng mga magdaragat at land-based workers na maiksi ang mga kontrata sa isang taon ay umabot sa US$2.6 bilyon.
Ang kanilang nai-ambag ay nagkakahalaga ng US$ 2.6 bilyon, samantala, ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2.2 bilyon noong nakalipas na Mayo at mas mataas ng 1.9% kaysa naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Ang cash remittances sa unang limang buwan ay umabot sa US$ 10.9 bilyon na nagkaroon ng 2.9% sa paghahambing sa nakalipas na taon.
Ang cash remittances mula sa land-based ay umabot sa US$ 8.5 bilyon at sea-based workers ay umabot na sa halagang US$ 2.4 bilyon.
May 80% ng salaping naipadala sa Pilipinas ang mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Germany.
Ang patuloy na paglabas ng mga manggagawa ang siyang naging dahilan ng patuloy na paglago ng padalang salapi sa Pilipinas. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, umabot na sa 211,799 na manggagawa ang nakalabas ng bansa mula Enero hanggang Mayo ng 2016. May 80% sa mga ito ang nasa services at sales, pagsasaka, forestry, pangingisda, mining, construction, manufacturing at transport sectors, craft at related trade workers.
Nakarating na sila sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan at Hong Kong. Mangangailangan ng nurses ang Japan at Germany sa mga susunod na buwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |