|
||||||||
|
||
Bagong pangulo ng Senado mahahalal sa Lunes
SENADOR KOKO PIMENTEL, MAHAHALAL NA SENATE PRESIDENT. Sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na mahahalal si Senador Aquilino Q. Pimentel III na senate president sa darating na Lunes, ika-25 ng Hulyo. Si Drilon ang inaasahang mahahalal na Senate President Pro-Tempore samantalang s Senador Vicente Sotto ang maging Senate Majority Floor Leader. (SENATE PRIB Photo)
SINABI ni Senate President Franklin M. Drilon na opisyal na magbubukas ang ika-17 Kongreso sa darating na Lunes, ika-25 ng Hulyo at ihahalal nilang Senate President si Senador Aquilino Pimentel III, ang nag-iisang kasapi ng PDP-Laban na Senador.
Sa isang media forum na pinamagatang Kapihan sa Senado, sinabi ni G. Drilon na umaasa siyang mahahalal na Senate President Pro-Tempore at si Senador Vicente Sotto III ang siyang Senate Majority Leader.
Ito umano ang kanilang kasunduan sa mga pagpupulong na naganap. Ang mga magiging chairman ng kasapi ng iba't ibang komite ay tinatayang mapupunuan sa darating na ika-15 ng Agosto, 2016.
Idinagdag pa ni Senate President Drilon na sa Lunes ng hapon, magtutungo sila sa House of Representatives upang pakinggap ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte. Mapakikinggan umano ang magiging pahayag ng pangulo kung paano makakatulong ang Kongreso upang magkatotoo ang 10-point socio-economic agenda upang madaluhan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Bibigyang pansin ang paraan ng Pangtawid Pamilyang Pilipino Program at ang mga mungkahing paraan upang higit na pakinabangan ng madla. Nais din nilang marinig kung anong paraan ang gagawin upang sumahod ang mga pulis ng P 50,000 bawat isa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |