|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
US Secretary of State John Kerry dadalaw sa Pilipinas
DADALAW si US Secretary of State John Kerry sa Pilipinas at makaka-usap si Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. at Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Martes hanggang Miyerkoles.
Unang lumabas ang balita sa US State Department kahapon ng umaga, oras sa Maynila.
Huling dumalaw sa Pilipinas si Secretary Kerry noong 2013 at nakatakdang makipag-usap si G. Kerry kay Pangulong Duterte sa mga paraan ng pakikipagtulungan sa bagong administrasyon.
Ayon kay Mark Toner, tagapagsalita ng State Department, magaganap ang pag-uusap matapos lumabas ang hatol ng arbitral tribunal hinggil sa paghahabol ng Pilipinas sa ilang bahagi ng South China Sea.
Bago dumalaw sa Pilipinas, maglalakbay siya sa Viernna, Austria, sa Paris, France at sa Association of Southeast Asian Nations meetings sa Vientiane, Laos.
Ayon naman kay John Schaus, isang dalubhasa mula sa Center for Strategic and International Studies, si G. Kerry ang unang opisyal mula sa magtatapos na pamahalaan ni Pangulong Barack Obama na makikipag-usap kay Pangulong Duterte.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs na maglalabas sila ng opisyal na pahayag sa pagdalaw ni G. Kerry sa mga susunod na araw.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |