Kabaong na inangkat mula sa America, isang insulto
MALAKING insulto para sa mga Filipino ang pag-aangkat ng kabaong na tanso mula sa Estados Unidos upang paglagyan ng labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nakatakdang ilibing sa susunod na buwan sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, ang yamang kinamkam ng mga Marcos ay magagamit na muli upang parangalan ang yumaong diktador tulad ng paggamit nito upang mapagtakpan ang mga kasalanan sa bansa at mga mamamayan. Ang state honors at ang karangyaan ng mga Marcos ay lubhang nakaiinsulto sa mga biktima ng madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa mga progresibo, marapat lamang na gunitain ang maraming mga aktibistang dinukot, pinaslang, pinahirapan at inilibing sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kung ihahambing ang magaganap na pagpaparangal sa darating na Linggo, Setyembre 18 walang madarama ang mga Filipino kungdi pagpupuyos ng damdamin.
Ang halaga ng tansong kabaong sa America ay makararating sa halagang US$ 30,000 o halos isa't kalahating milyong piso, dagdag pa ng BAYAN.
1 2 3 4