Pangulong Duterte, nababahala sa "extrajudicial killings"
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa dumaraming bilang ng mga napapaslang sa buong bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Abella na nababahala rin ang pangulo tulad ng ibang mga grupo at mga mamamayan sa dumaraming extrajudicial killings dala ng pakikidigma ng pamahalaan sa illegal drugs.
Naniniwala umano siyang nababagabag din si Pangulong Duterte sa mga pagpaslang. Subalit kinikilala rin ni Pangulong Duterte na ang mga pagpaslang ang nakapapataas ng kaalaman ng madla hinggil sa lawak at laki ng problemang dulot ng illegal drugs.
Sa pagsusuma ng mga pahayagan, umabot na sa 564 ang napapaslang mula ng pagsimula ang pagkilos ng mga pulis at vigilante noong manungkulan si G. Duterte noong huling araw ng Hunyo.
1 2 3 4