Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, binati na si G. Donald Trump sa kanyang pagwawagi

(GMT+08:00) 2016-11-09 17:05:14       CRI

Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Asia, mahalaga

MAHALAGA ANG MGA PAGDALAW NI PANGULONG DUTERTE SA ASEAN, TSINA AT JAPAN. Sinabi ni Professor Aileen baviera ng UP Asian Center na mahalaga ang mga pagdalaw na ito sapagkat nagpapatibay ito ng relasyon sa mga bansang nasa rehiyon. Mula sa malamig ay uminit na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas. (Melo M. Acuna)

SA BAWAT STATE VISIT, SINUSURI ANG GALAW AT PAHAYAG NG PANAUHIN. Ito ang paniniwala ni G. Jose Antonio Custodio, isang military historian at security and defense consultant. Sa naganap sa Tsina at Japan, masusing pinag-aaralan ng mga dalubhasa sa mga bansang ito ang pahayag at galaw ni Pangulong Duterte upang mapaghandaan nila ang mga estratehiya sa pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si UP Asian Center Professor Aileen Baviera na mahalaga ang mga ginawang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa mga bansang China at Japan at sa susunod na taon, magiging punong abala ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

Hindi na mataas ang posisyon ng Pilipinas sa mga prayoridad ng Estados Unidos sapagkat interesado sila sa mga nagaganap sa Europa tulad ng ginagawa ng Russia at sa Gitnang Silangan tulad ng nagaganap sa Syria.

May pag-aalinlangan ang Estados Unidos sa magiging papel ng Tsina sa patuloy na paglago ng ekonomiya at impluensya nito sa rehiyon.

Ayon naman kay military historian Jose Antonio Custodio, mahalaga ang naging mensahe sa mga pagdalaw sa Tsina at Japan. Lumabas na nagiging taliwas ang mga pahayag depende sa kaharap at sa okasyon.

Kailangang gumawa ng kaukulang programa ang National Security Adviser na si General Hermogenes Esperon. Kaalyado pa rin ng Pilipinas ang America at wala pang liwanag kung ano ang magiging tayo ng relasyon sa susunod na taonsapagkat magkakaroon na naman ng Balikatan military exercises.

Naniniwala naman si Prof. Baviera na hindi kailangan ang mga pahayag na binabawi kung gugustuhin. Maraming nararapat kilalanin ang kahalagahan ng mga pahayag ng pangulo.

Ani G. Custodio, sa bawat state visit, pinag-aaralan ng host country ang galaw at mga pahayag ng dumadalaw na panauhin. Ito ang naganap sa Tsina at Japan kamakailan. Dito kailangan ang consistency sa mga pahayag ng pangulo. Kailangan ding masusing pag-aralan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga pahayag ng pangulo.

Umalis na kanina si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Kuala Lumpur para sa isang opisyal na pagdalaw.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>