Desisyon ng Korte Suprema, 'di katanggap-tanggap
SINABI ni Dr. Carol Pagaduan-Araullo, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan, na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang desisyon ng Korte Suprema na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ni Dr. Araullo na kinilala ng Korte Suprema ang poder ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang paglilibing sa kontrobersyal na dating pangulo sapagkat walang anumang pag-abusong naganap.
Lumalabas na hindi pa sapat ang pagpapatalsik sa kanya ng mga mamamayan noong 1986 at ang pagsamsam sa 'di mawaring nakaw na yaman na naipon ng pamilya. Kinilala ng hukuman sa America ang libu-libong mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pangtao, dagdag pa ng propesor.
Nasadlak ang bansa sa pagkakautang dahil sa luho ng pamilya Marcos at ang pagkakaipit ng mga kontrata sa multinational corporations tulad ng Bataan Nuclear Power Plant.
Idinagdag pa ni Prof. Araullo na hindi bayani si G. Marcos at batid ang bagay na iyan ng Korte Suprema. Batid rin ang impormasyong ito ni Pangulong Duterte, dagdag pa ni Dr. Araullo. Hindi umano mababago ng desisyon ng Korte Suprema ang pagkilala ng taongbayan sa mga Marcos.
1 2 3 4 5 6 7