Pangulong Duterte, 'di magbabago sa paninindigan sa libing
WALANG anumang pagbabagong maaasahan kay Pangulong Rodrigo Duterte kung ipahihinto ang paglilibing sa kontrobersyal na dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa isang press conference sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang suriin ang batas sapagkat wala siyang poder na baguhin ang kalakaran sa bansa.
Mas makabubuting sundin na lamang ang batas, dagdag pa ni Pangulong Duterte. Nakausap na umano niya si dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa Tacloban at mamimili na ang mga Marcos kung ano ang kanilang gagawin. Nagtanong umano ang dating senador kung maipagpapatuloy na ang paglilibing at sinagot niyang hindi niya babaguhin ang kanyang pahayag noon.
Maganda umano ang nasimulan ni G. Marcos kaya nga lamang ay nawalan na siya ng kontrol sa pamahalaan sa kanyang pagkakasakit. Tumanggi si G. Duterte na sagutin ang tanong kung naging bayani si G. Marcos sa desisyon ng Korte Suprema kahapon.
1 2 3 4 5 6 7