China-Philippines Dialogue, gaganapin bukas
HALOS maghapon ang nakalaang pagpupulong ng mga dalubhasa sa larangan ng diplomasya at kalakal mula sa Pilipinas at Tsina. Itinataguyod ito ng China Daily. Gaganapin ito sa Manila Peninsula Hotel.
Nakatakdang magsalita si G. Ed Zhang Xiaogang, ang editor-at-large ng China Daily at susundan ng mga pahayag nina G. Noel Puyat, Undersecretary for Administration and Finance ng Presidential Communications Operations Office at Dr. Li Wen, ang chief executive Officer ng China-ASEAN Investment Cooperation Fund.
Magkakaroon ng panel discussion hinggil sa mga oportunidad at hamon sa economic relations ng Tsina at Pilipinas na katatampukan nina Nora K. Terrado, Undersecretary for Industry Promotion Group ng Department of Trade and Industry, G. Patrick Ip, principal sa larangan ng Investment sa China-ASEAN Investment Cooperation Fund, Chito Sta. Romana, pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies at G. Stephen Techico, ang chairman ng Uni-Orient Travel Inc. at pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines.
Magsasalita rin si G. Jaime FlorCruz, dating Beijing Bureau Chief at Correspondent ng CNN. Isa rin siyang visiting professor sa Peking University.
1 2 3 4 5 6 7