Dating Pangulong Marcos, maililibing bago matapos ang taon
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na maililibing na rin si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani bago matapos ang taon.
Walang maibigay na petsa si G. Abella kung kailan maililibing ang dating diktador subalit nagpahiwatig na magaganap na ito sa madaling panahaon.
Tinanggihan na ng Korte Suprema ang pinagsanib na mga pestisyong humihiling na pigilan si Pangulong Duterte na mailibing ang kontrobersyal na dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
Naging dahilan ang desisyon ng mga protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa.
1 2 3 4 5 6