Bagong Alyansang Makabayan, nabahala sa pahayag ni G. Duterte
HINDI sang-ayon ang militanteng Bagong Alyansang Makabayan sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananalig siya sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagkakapaslang kay Albuera Mayor Espinosa.
Hindi umano mapaniniwalaang angkop sa batas ang naganap na pagkakapatay sa alkalde lalo pa't 'di kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga alagad ng batas.
Makabubuti sanang maghintay ng kalalabasan ng pagsisiyasat bago maglabas ng pahayag na posibleng maka-impluwensya sa pagsusuri. Kailangang gumawa ng ibayong pagsisiyasat sapagkat hanggang sa mga oras na ito, lumalabas na pinagbalakang talaga ang pagpaslang.
Kailangan ding ipasiyasat ni G. Duterte ang detalyes ng pagpaslang sapagkat lumalabas na layunin ng operasyon na patahimikin ang biktima upang manatiling malinis ang ilang tao.
1 2 3 4 5 6