Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte at Prime Minister Razak, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-11-11 15:41:13       CRI

Mga pulis at militar, hindi pinapayagang makapasok sa mga paaralan

NILIWANAG ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na samantalang suportado nila ang pamahalaan, sa pamamagitan ng pulisya, laban sa pananalasa ng bawal na gamot, kinikilala ng Philippine National Police at Department of Education na matagal nang ipinagbabawal, sa mayroon o walang problema sa bawal na gamot, ang pagpasok ng mga pulis at kawal sa loob ng mga paaralan.

Ani Kalihim Briones, ang pahayag ni PNP Director General Ronald dela Rosa na isasama ang mga paaralan sa Oplan Tokhang may maaaring may kinalaman sa koordinasyon ng opisyal sa Department of Education kung paano makatutulong ang pulisya sa drug education program.

Dalubhasa ang pulisya sa mga kwento, panganib at iba pang isyu kaya't makadadalaw ang mga alagad ng batas upang magbigay ng kaukulang impormasyon. Hindi papayagang makapasok ang mga pulis at militar kung iba ang kanilang layunin.

Noon pa mang Mayo at bago pa man ipinatupad ang Oplan Tokhang, inatasan na ni Pangulong Duterte ang Department of Education na magbigay sa mga guro at mag-aaral mula Grade IV pataas ng kaukulang guidelines sa larangan ng drug awareness.

May alituntunin na rin sa pagsisimula ng statistical sampling scheme na ang mga estudyanteng pinahintulutan ng mga magulang at mga gurong sasailalim sa pagsubok ay 'di papangalanan. Layunin ng pagsubok na ito na mabatid ang lawan ng problemang dulot ng bawal na gamot.

Sa panig ni Secretary Briones, nais nilang magamot ang mga mag-aaral at mga gurong mga may problema sa droga at hindi papapanagutin ayon sa batas. Sa oras na may gurong lulong sa droga, papagbakasyunin siya upang maiwasang maimpluwensyahan ang mga mag-aaral. Kailangan din niyang sumailalim sa rehabilitation.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>