Mga senador, naniniwalang nararapat linisin ng pulisya ang kanilang hanay
KASABAY ng pagkondena ng mga senador sa karumal-dumal na krimen laban sa isang banyaga sa kamay ng pulis sa loob ng Kampo Crame, nanawagan si Senador Panfilo Lacson, na dating pinuno ng pulisya sa ilalim ni Pangulong (Joseph) Estrada kay Director General Ronald dela Rosa na habulin at alisin ang mga masasamang pulis na interesado lamang kumita samantalang nasa paglilingkod.
Nararapt masibak ang gumagamit sa "all-out campaign" ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs.
Sa panig ni Senador Francis Escudero, isa umanong malaking kahihiyan ang naganap sa Koreano sa kamay ng mga pulis. Kawalan umano ng paggalang kay Director General Dela Rosa at sa buong organisasyon ng pulisya ang naganap.
Ito rin ang panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian. Kailangan umanong linisin ng PNP ang kanilang hanay sa pinakamadaling panahon.
1 2 3 4