Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Padalang salapi ng mga manggagawang Filipino, tumaas pa

(GMT+08:00) 2017-02-15 18:06:09       CRI

Pilipinas at China Radio International lumagda sa kasunduan

ISANG simpleng seremonya ang naganap kahapon sa Philippine Information Agency sa paglagda ng Presidential Communications Office at China Radio International sa isang memorandum of agreement.

Saklaw ng kasunduan ang mga ahensyang nasa ilalim ng PCO tulad ng Philippine Information Agency, People's Television Network, Philippine Broadcasting Service-Radyo ng Bayan at Philippine News Agency. Layunin ng kasunduang mapayabong ang pagkakaibigan at paguunawaan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagtutulungan sa larangan ng pagbabalitaan.

Lumagda sa kasunduan si Undersecretary for Administration and Finance Noel George Puyat na kinatawan ni Secretary Martin Andanar, Atty. Maria Paz Banaag, Assistant Secretary for Operations, Virgina Agtas, Director of News and Information Bureau, Angelo Villar, Deputy Director General ng Philippine Information Agency, Luis Morente ng Philippine News Agency, Rizal Aportadera, Director General ng PBS at Dino Apolinario ng PTV4.

Sa panig ng China Radio International, lumagda si Pangulong Weng Gengnian, Bb. Wang Lu, Director ng CRI Worldwide English Broadcast Center, An Xiaoyu, Director ng Southeast Asia Broadcast Cemter, Qian Hongjing ng editorial board at Xu Xiang, staff member ng CRI Executive Office.

Ayon kay Pangulong Weng ng CRI, patuloy na lumalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at umaasa siyang higit na gaganda ang mga proyekto sa pagitan ng mga tauhan at mga mamamahayag sa pagpapalabas ng mga programang Filipino sa mga himpilang Tsino.

Maaaring magsanay ang mga Tsino sa Pilipinas samantalang makapagtatrabaho ang mga Filipino sa Tsina. Magagamit din ang mga balita at iba pang materyales na may copyright sa wikang Pilipino at Ingles.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>