|
||||||||
|
||
Chamber of Mines, nabagabag sa desisyon ni Secretary-Designate Lopez
PAHAHALAGAHAN PA BA ANG MGA KONTRATA NG PAMAHALAAN? Ito ang itinatanong ni Bb. Nelia Halcon, Executive Vice President ng Chamber of Mines of the Philippines sa idinaos na "Wednesday Roundatable @ Lido" kaninang umaga kasunod ng desisyon ni Secretary - Designate Regina Lopez na pawalang-saysay ang mga kontrata sa mga pribadong kumpanya ng mina. (Melo M. Acuna)
LUBOS na nabahala ang mga kasapi ng Chamber of Mines of the Philippines sa pagkakansela ng may 75 Mineral Production Sharing Agreements, na ang karamiha'y hindi pa nakapagsisimula ng kanilang operasyon, at ng Tampakan Environment Compliance Certificate.
Sa isang pahayag na binasa ni Executive Vice President Nelia Halcon, hindi na isyu kung lumabag ba sa alituntunin ang mga minahan kungdi ang pagkilala ng pamahalaan sa mga kontratang nilagdaan nito, sa nilalaman ng Freedom of Information sapagkat wala pang nakararating na full audit results o kung papayagan ba ang open pit mining o hindi o kung pabor ba o hindi ang isang tao sa pagmimina.
Ang pinakaisyu ay kung kinikilala pa ng pamahalaan ang kasagraduhan ng mga kontratang nilagdaan nito. Isang malaking tanong kung nasusunod pa ba ang due process. Ang pagiging patas at makatarungan ay para sa lahat, dagdag pa ng Chamber of Mines of the Philippines.
Naniniwala ang samahan ng mga nagmimina sa Pilipinas na ang pagkansela ng mga kasunduan ay hindi lamang nakasalalay kay Environment and Natural Resources Secretary Regina Paz Lopez sapagkat nararapat desisyunan ito ng buong pamahalaan sapagkat magdudulot ito ng malaking problema sa bansa.
Nararapat managot si Bb. Lopez sa mga mamamayan lalo't higit sa lipunang sumusunod lamang sa batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |