![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Nakikita ng pamahalaan ang mga lehitimong minahan, subalit maluwag sa small-scale mining
KUNG ISTRIKTO SA KUMPANYA, BAKIT MALUWAG SA SMALL-SCALE MINING? Ito naman ang tanong ni Atty. Deo Contreras na nagtataka sa kalakaran ng pamahalaan. May batas hinggil sa ligtas na pagmimina subalit hindi sinusunod ng small-scale miners na pag-aari ng mga politiko at armado. (Melo M. Acuna)
IPINAGTATAKA ni Atty. Deo Contreras, dating executive director ng Chamber of Mines at ngayo'y isang consultant ng mga kumpanya ng minahan kung bakit ang mga malalaking kumpanya ang napag-iinitan ng pamahalaan samantalang maluwag naman sa small-scale mining na hamak na mas malaki ang produksyong hindi nagbabayad ng buwis.
Inihalimbawa niya ang mga minahanang maliliit na katabi ng mga kumpanya sa Mindanao. Hamak na mas malaki ang kita ng mga nasa likod ng small-scale mining sapagkat malaya silang nakapaglalabas ng ginto patungo sa ibang bansa.
Bukod sa walang binabayarang buwis, wala silang sinusunod na mga regulasyon kahit sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa mga ilegal na minahan. Sumusunod ang mga kumpanya sa mga batas na magpapanatili ng maayos na kalikasan samantalang ang mga small-scale mining ay gumagawa na mga labag sa alituntunin.
Malalaking politiko at mga armado ang sinasabing nakikinabang sa small-scale mining.
Ilang taon na ang nakalilipas, matapos ang trahedya sa isang small-scale mining area sa Mindanao, dumalaw ang mga kalihim ng pamahalaan at nagsabing mayroong mga mananagot, sabi pa ni Atty. Contreras subalit natapos na lamang ang termino ni Pangulong Aquino, wala namang nakasuhan o pormal na inireklamo ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |