|
||||||||
|
||
Kaligtasan, nararapat maging prayoridad
KALIGTASAN, PRAYORIDAD. Ayon kay Engr. Louie Sarmiento ng PMSEA, mahalaga ang pagpapanatili ng kaligtasan sa mga minahan. Nagsusuri ang PMSEA ng mga kumpanyang pinararangalan dahil sa pagsunod sa batas, dagdag pa ni Engr. Sarmiento. (Melo M. Acuna)
AYON kay Engr. Louie Sarmiento, pangulo ng Philippine Mine Safety and Environment Association, mahalaga ang kaligtasan ng mga minero sapagkat sa oras na may mapahamak na manggagawa, masususpinde ang operasyon ng minahan.
Ipinaliwanag niyang sa bawat taon, may mga parangal na iginagawad ang kanilang samahan sa mga kumpanya ng minahang sumusunod sa alituntunin ng pamahalaan at maging international standards. Maraming ahensya ang kabilang sa nagsusuri ng mga record ng iba't ibang kumpanya sa bansa.
Sa kabilang dako, sinabi pa ni Engr. Sarmiento na nakapagpadala na ng mga tauhan ang sampung kumpanya ng minahan sa mga pook na niyanig ng malakas na lindol. Nagpadala sila ng mga tauhan upang tumulong sa paglilikas at pagliligtas sa mga naging biktima ng malakas na lindol na tumama sa Surigao City at mga kalapit-pook. Naghahanda na rin sila ng tubig na maiinom na maipamamahagi sa mga biktima sa pinakamadaling panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |