Mas malawak ang epekto ng desisyon ni Secretary Lopez
MAS MALAWAK ANG EPEKTO NG DESISYON NI SECRETARY LOPEZ. Ani Atty. Dante Bravo, isang pangulo ng kumpanyang minahan, kahit ang mga bangko ay 'di na maglalabas ng salapi upang tustusan ang exploration ng mga kumpanya ng mina sa Pilipinas. Ibayong problema ito para sa industry, dagdag pa niya. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Atty. Dante Bravo ng Global Ferronickel Holdings, Inc. sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido na mas malawak ang epekto ng desisyon ni Secretary Regina Lopez hinggil sa mga minahan. Ipinaliwanag niyang ang lahat ng mga nabigyan ng karapatang magmina ay dumaan sa mahabang proseso at nangailangan ng malaking salapi sapagkat maraming requirements ang pamahalaan upang matiyak na ligtas ang pagmimina.
Mayroong responsible mining sapagkat ang lahat ng kumpanyang tapat sa kanilang adhikain ay sumusunod sa itinatadhana ng batas. Ikinalungkot ni Atty. Bravo na hindi nakikita ng pamahalaang malaking potensyal ng pagmimina sa bansa sapagkat mayaman ang Pilipinas sa larangan ng ginto at iba pang mamahaling mineral.
1 2 3 4 5 6