|
||||||||
|
||
International Press Center, pinasinayaan
INTERNATIONAL PRESS CENTER PINASINAYAAN. Nanguna si Secretary Martin Andanar sa pagpapasinaya sa pinagandang International Press Center sa National Press Club kanina. Kasabay ito ng ika-44 na anibersaryo ng Philippines News Agency. Idinaos din ang isang Misa ng Pasasalamat sa mga nagawa ng mga tanggapang ito ng pamahalaan sa nakalipas na taon. (Melo M. Acuna)
PINASINAYAAN ang inayos na tanggapan ng International Press Center sa National Press Club building sa Intramuros, Manila kanina. Naging panauhing pandangal si Secretary Martin M. Andanar, ang pinuno ng Presidential Communications Operations Office.
Nagsimula ang pagtitipon sa Misa na pinangunahan ni Fr. Arman Obal, OFM bilang paggunita sa Miyerkoles ng Abo na simula ng Kuwaresma.
Nagsalita rin si Asst. Secretary for Operations and Special Concerns Atty. Ana Maria Paz R. Banaag.
Nasundan ito ng simpleng ribbon cutting ceremonies at pagbabasbas sa tanggapan. Kasabay ang pagpapasinaya sa ika-44 taon ng Philippines News Agency.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Secretary Andanar na isang misyon ng kanilang tanggapan ang pagpaparating ng pinakahuling balita mula sa pamahalaan tungo sa mga mamamayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |