|
||||||||
|
||
Kuwaresma, sinimulan na
MIYERKOLES NG ABO, GINUNITA. Nagtungo sa mga Simbahan ang milyun-milyong Katoliko upang magpalagay ng abo sa noo. Kuha ang larawang ito sa Redemptorist Church kaninang hapon na kinatampukan ng dalawang madre na naglalagay ng abo sa mga mananampalataya. Panawagan sa araw na ito ang pagbabagong-buhay. (Jhun Dantes)
SA pagsisimula ng 40-araw na Kuwaresma, nagtungo ang karamihan ng mga Katoliko sa kani-kanilang mga simbahan at maging mga tanggapan at nagpalagay ng krus na abo sa kanilang mga noo.
Simple ang mensahe ng araw na ito - manatiling nagpapahalaga sa mga karaniwang katangian ng buhay.
Ayon kay Fr. Redgie Malicdem, pastor ng Manila Cathedral na kailangang makapagdasal, mag-ayuno at maglimos sa panahong ito ng kuwaresma.
Ang Miyerkoles ng Abo ang isang araw din ng pangingilin at pag-aayuno.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |