|
||||||||
|
||
Pinuno ng National Irrigation Administration sinibak
TINANGGAL sa tungkulin bilang administrador ng National Irrigation Administration Peter Lavina.
Ito ang sinabi ni Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula sapagkat binanggit na ni Pangulong Duterte sa mga pinuno ng iba't ibang unyon sa Malacanang noong Lunes na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Lavina upang ipakita na seryoso siya sa kanyang kampanya laban sa katiwalian.
Ani Atty. Matula, sa kanilang pulong, sinabi ni Pangulong Duterte na seryoso siya sa kampanya laban sa katiwalian, krimen, droga at kontraktuwalisasyon.
Binanggit na ni G. Lavina na umalis siya sa puwesto upang huwag nang mapahiya ang Pangulong Duterte sa mga akusasyon sa katiwalian.
Ayon sa isa pang pinagkunan ng balita, tinanggal ni Pangulong Duterte si Lavina sanhi ng mga balitang may 40% natatanggap mula sa mga kontratang nalalagdaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |