|
||||||||
|
||
Mga mambabatas, nababahala sa balak na paghirang ng mga opisyal ng barangay
LUMALABAG sa batas ang pamahalaan kung itutuloy ang balak na humirang ng mga opisyal ng barangay na 'di dadaan sa halalan.
Sinabi ni Akbayan Representative Tom Villarin na nangangamoy ng diktadura ang balak na ito samantalang paglabag sa karapatang maghalal ng kanilang mga pinuno ang pananaw naman ni Magdalo Congressma n Gary Alejano.
Si Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang nagsabing balak ni Pangulong Duterte na suspendihin ang halalang pambarangay at hihirang na lamang ng mga papalit sa mga nakaluklok ngayon.
Ani Congressman Villarin, ginamit ng diktadura ni Marcos ang mga barangay upang bantayan at makontrol ang mga mamamayan. Kung matutuloy ito, sa pagkakaroon ng 43,000 mga barangay sa buong bansa, magkakaroon kaagad ng 344,000 na taong madaling matatawag ni Pangulong Duterte.
Kung may mga taong barangay na sangkot sa droga, kasuhan ang mga ito at panagutin sa pamamagitan ng balota.
Sa panig ni Congressman Alejano, makabubuting kasuhan ng kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot sa drogang mga opisyal ng barangay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |