|
||||||||
|
||
Ombudsman Morales, nahaharap sa disbarment complaint
PORMAL na inireklamo ni dating Konsehal ng Maynilang kinilala sa pangalang Greco Belgica sa Korte Suprema at pinatatanggalan ng lisensya si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa hindi pagkakasama kay dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa reklamo sa pagpapatuapd ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o PDAP.
Nanawagan si G. Belgica na tanggalan si Ombdusman Morales ng kanyang lisensya at pawalang saysay ang kanyang pagiging abogada sapagkat tinalikdan niya ang Lawyer's Oath at Canon of Professional Responsibility ng pawalang-sala niya si G. Aquino sa usaping technical malversation, usurpation of legislative powers at katiwalian.
Nawalan umano ng karapatan ang mga mamamayan na ipatupad ang batas, ang procedural due process sa pagpapawalang-sala sa dating pangulo ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |