|
||||||||
|
||
Walang banta sa Benham Rise
SINABI ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na walang anumang nakikitang banta mula sa alinmang bansa sa Benham Rise.
Ito ang kanyang sinabi sa pinagsanib na pagdinig ng Senate Committees on Economic Affairs at Finance. Wala umanong nakikitang panganib subalit posibleng mayroon kaya nga lamang ay 'di pa nakikita ngayon. Batid umano nila ang mga pahayag ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina na kinikilala nila ang mga karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise.
Idinagdag niyang walang potential claim sa mga susunod na panahon. Pinapayagan ang ibang bansang mangisda sa Benham Rise sa oras na bigyan ng kaukulang pahintulot ng pamahalaan ng Pilipinas. Pinapayagan din ang mga banyagang barkong maglayag sa Benham Rise bilang pagkilala sa freedom of navigation at innocent passage. Hindi sila papayagang pakialaman ang likas na yamang nasa ilalim ng karagatan, dagdag pa ni Secretary Esperon.
Naunang binanggit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isang survey ship ng Tsina ang nakitang naglalayag sa Benham Rise mula noong Nobyembre ng 2016 hanggang noong nakalipas na Enero ng 2017. Ikinabahala ni Secretary Lorenzana na nagtatagal ang sasakyang dagat ng may isang buwan na tila walang ginagawa. Naniniwala si G. Lorenzana na gumagawa ng survey ang mga tripulante ng barko.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |