Child pornography, isang seryosong bagay
KAILANGANG tugunan ng pamahalaan ang isyu ng child pornography. Ito ang pahayag ni European Union Ambassador to the Philippines Franz Jessen hinggil sa isang social media post ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development na nagmungkahing pagtuunan na lamang ng pansin ng EU ang child pornography.
Ipinagtanggol naman ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo si Asst. Secretary Lorrain Badoy at nagsabing pinalaki lamang ang social media post ng kanyang kasama.
Para sa European Union head of delegation, ang isyu ng child pornography ay isang seryosong bagay at kailangang madalian at responsible ang pagtugon sa problemang ito.
Noong nakalipas na Sabado, inupakan ni Badoy, isang tagasunod ni Pangulong Duterte ang mga pumupuna sa pamahalaan ng kanyang nakaiinsultong pahayag sa Facebook. Sinabi ni Dr. Badoy na pagkaabalahan na lamang ng European Union ang child pornography sapagkat doon sila magaling.
1 2 3 4 5