|
||||||||
|
||
Mga 'di inaasahang pangyayari sa daigdig, nagaganap
NANINIWALA si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. na kahit pa magsasampung taon na mula ng maganap ang global financial crisis, patuloy pa rin ang kawalang katiyakan sa pagkakaroon ng 'di patas na kaunlaran sa ekonomiya.
Ang paglawak ng agwat ng mahihirap sa mayayaman ang nagiging dahilan ng kontra globalisasyon at populist sentiments sa buong daigdig. Ito ang sinabi ni Governor Tetangco sa idinaos na general membership meeting ng Management Association of the Philippines kanina.
Nagaganap ang protectionist pressures sa paglawak ng paniniwala ng mga bansa na ang benepisyong makakamtan sa kaunlaran ay kailangang maibahagi ng patas. Sa mga nagpapanday ng batas, kailangang bigyang halaga ang inclusivity na kasabay ng kaunlaran.
Gaganda ang takbo ng ekonomiya sa susunod na dalawang taon tulad ng sinasabi ng International Monetary Fund para sa Amerika, European Union at Japan ngayong 2017. Ang forecasts na ito ay hamak na mas mababa sa actual growth outcomes bago naganap ang global financial crisis.
Matatag na kaunlaran ang nagaganap sa Tsina samantalang nabawasan ang kaunlaran sa India at Brazil ngayong taon. Kung magpapatuloy ang kawalan ng katatagan sa larangan ng politika at pagkakaroon ng pansariling pagpapahalaga, mababawasan ang pandaigdigang kalakal at magpapalabnaw sa financial markets.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |