|
||||||||
|
||
20170412melo.m4a
|
Sub-Leader ng Abu Sayyaf, napaslang sa Bohol
SINABI ni General Eduardo Año, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, na nakasama sa mga napaslang sa sagupaan as Bohol kahapon ang sub-leader na nakilala sa pangalang Abu Rami.
Sa isang panayam sa pamamagitan ng telepono para sa mga tagapagbalita sa Campo Aguinaldo, sinabi ni General Año na kabilang si Abu Rami sa mga napaslang na anim katao. Nabawi ng mga kawal ang mga labi ng anim na napaslang na sinasabing Abu Sayyaf.
Malaki umanong kawalan sa Abu Sayyaf pagkasawi ni Rami na may tunay na pangalang Kuamar Askali. Lumahok si Abu Rami sa pagdukot sa mga banyaga sa Samal island noong 2015.
Sinabi naman ni Rommel Banlaoi, isang security expert, na may natanggap siyang impormasyon sa pagkasawi ng alalay ni Rami na nagngangalang Nammil Ahajari. Tapos na umano ang panganib ng mga Abu Sayyaf sa Bohol.
Idinagdag naman ni Colonel Restituto Padilla na natagpuan ang ika-anim na bangkay kaninang madaling araw sa operasyon ng militar sa pook. Sa panig ng pamahalaan, tatlong kawal na kinabibilangan ng isang junior officer at dalawang enlisted personnel at isang pulis ang nasawi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |