|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, nakaharap na ang hari ng Saudi Arabia
NAGANAP kahapon ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud sa kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Saudi Arabia.
Naglabas ng mga lawaran ng Presidential Communications Office hinggil sa bilateral meeting sa pribadong tahanan ng hari sa Rawdhat Khuraim. Sumaksi ang dalawang pinuno ng bansa sa paglagda sa mga kasunduan sa pagkakaroon ng political consultations sa pagitan ng kaharian sa pamamagitan ng kanilang Miistry of Foreign Affairs at Department of Foreign Affairs ng Pilipinas. Nagkasundo rin ang magkabilang panig sa larangan ng paggawa sa pamamagitan ng General Workers Recruitment and Employment at ang pagtutulungan ng Philippine Foreign Service Institute at ng Prince Saud Al-Faisal Institute of Diplomatic Studies.
Isang tanghalian sa karangalan ni Pangulong Duterte ang ginawa at dinaluhan ng mga prinsipe, mga ministro at senior officials.
Dumalaw din si Pangulong Duterte kay Deputy Crown Prince Mohammed bin Salman bin Abdulaziz.
Magtutungo na siya sa Manama, Bahrain at Qatar.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |