|
||||||||
|
||
Pagkatao ng pinaniniwalaang lider ng Abu Sayyaf, tinitiyak pa
MAY gagawin pang mga pagsisiyasat ang pulisya sa Central Visayas upang mabatid ang tunay na pagkatao ng isa sa anim na pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf na napaslang sa sagupaan kahapon.
Sinabi ni Chief Supt. Noli Talino na kamukha ni Maumar Askali na kilala sa pangalang Abu Rami, ang isa sa napaslang.
Si Rami ang sinasabing pinuno ng koponang pumasok sa isang malayong barangay sa Bohol. Niliwanag ni Ginoong Taliño na nais lamang nilang matiyak ang tunay na pagkatao ng isa sa napaslang.
Napaslang sa panig ng pamahalaan sina 2Lt. Estelito Saldua, Jr. Corporal Meljum Cajaban, Sgt. John Dexter Duero at SPO2 Rey Anthony Nazareno, mula sa Special Weapons and Tactics Group ng Calape, Bohol.
Inaalam pa rin ng Philippine Coast Guard ang balitang mayroong kaduda-dudang mga sasakyang-dagat sa Carcar City may 42 kilometro sa timog ng Cebu City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |