MAY mga pagsabog at putok ng mga baril ang narinig sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga kawal laban sa Maute group sa Marawi City ngayong "Araw ng Kalayaan."
Naganap ang mga sagupaan kasabay ng pagtataas ng mga watawat sa Marawi City Hall at Lanao del Sur provincial capitol.
Ayon sa ulat ng mga mamamahayag, tuloy ang airstrikes at putukan sa pagdiriwang ng "Araw ng Kalayaan." Lumahok ang ilang mga opisyal ng pamahalaang-lokal sa pagtataas ng bandila ng mga kawal ng pamahalaan.
Tuloy ang clearing operations sa ilang bahagi ng lungsod. Narinig ang mga pagpapasabog kasabay ng pagtataas ng bandila sa Marawi City.
Magugunitang may 13 tauhan ng Philippine Marines ang napaslang samantalang may 40 iba pa ang sugatan sa isa sa pinakamatagal ng sagupaan.
1 2 3 4 5