|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, 'di nakadalo sa programa sa "Araw ng Kalayaan"
SOBRANG pagod ang dahilan ng hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtataas ng bandila sa Rizal Park sa pagsisimula ng ika-119 na taong anibersaryo ng "Araw ng Kalayaan" kaninang ika-pito ng umaga.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga mamamahayag.
Ipinaliwanag ni Secretary Cayetano na halos walang-tulog si Pangulong Duterte at kinakausap ang mga kawal, nakakausap ang mga military commander at kagabi ay dumalaw pa sa mga sugatang kawal at nagbigay-galang sa mga nasawing tauhan ng Armed Forces of the Philippines.
Nakasama ni Secretary Cayetano sa seremonya si Vice President Leni Robredo sa pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
Idinagdag pa ni Secretary Cayetano na walang dapat ipag-alala sapagkat ang pinakalayunin ni Pangulong Duterte ay mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga Maute.
Nagtungo si Pangulong Duterte sa Villamor Air Base sa paglilipat ng mga labing mga nasawing tauhan ng Philippine Marines sa pagpapatuloy ng mga sagupaan sa Marawi City. Dumalaw din siya sa mga sugatang kawal sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Higit na sa 200 katao ang namatay samantalang libu-libo na ang lumikas dahil sa mga sagupaan sa Marawi City at mga kalapit-pook.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |