|
||||||||
|
||
Kasaysayan mahalaga sa buhay ng mga mamamayan at bansa
NAGKAKAISANG sinabi ng mga panauhin sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga na mahalaga ang Kasaysayan sa buhay ng mga mamamayan at ng bansa.
Ayon kay Prof. Wensley Reyes ng Philippine Normal University na higit sa pagsasaulo ng mga petsa at pook na kinatampukan ng mga bayani, nararapat maunawaan ng mga kabataan at ng mga mamamayan ang dahilan sa mga naganap sa bansa.
Mas malawak na kaalaman ang kailangan upang higit na bigyang halaga ang naging papel ng mga kinikilalang bayani.
Sa panig ni G. Ian Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines, kailangang magkaroon ng mga alituntunin kung paano makikilala ang mga bayani. Idinagdag pa ni G. Alfonso na sa mga Kapampangan, ang isang datu ay kinikilalang pinuno sa pakikipagsagupa sa mga kalaban.
Para kay Dr. Ted Herbosa, ang executive vice president ng University of the Philippines at apo sa tuhod ni Dr. Jose Rizal, makikilala ang bayani sa kanyang papel sa lipunan, kanyang nai-ambag sa pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan.
May kakaibang paraan ang mga katutubo sa paggunita sa kanilang Kasaysayan. Bukod sa kanilang pag-awit at pagsasalaysay, nagkakaroon na rin sila ng pagtatala. Ito naman ang sinabi nin Pia Macliing Malayao, secretary-general ng Katribu.
Higit na mauunawaan ng mga mamamayan ang Kasaysayan sa pamamagitan ng pagpapayabong ng mga museo tulad ng ginagawa ng mga nasa-Europa at America at ilang mga bansa sa Asia.
Sa panig nina History Instructor Aaron Viernes ng University of the Philippines, kailangan ang ibayong pananaliksik. Kinatigan naman ito ni G. John Ray Ramos ng Far Eastern University ng Diliman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |