|
||||||||
|
||
Mga Americano, pumapel din noong nakalipas na EdSA People Power 1
BAGO pa man naganap ang EdSA People Power 1, nagparamdam na ang mga Americano sa Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa.
Sa Tapatan sa Aristocrat kanina, sinabi ni retired Commodore Rex Robles na noon pa mang 1985 may Americanong nakipag-usap sa kanya at nagsabing nais niyang ikubli ang mga nasa likod ng kanilang samahan kaya't pinaharap nila ang mga batang opisyal at ilang matataas na opisyal.
Tatlong kondisyon ang ipinarating ng kinatawan ng mga Americano sa RAM, dagdag pa ni Commodore Robles. Una ay ang huwag gagamit ng dahas. Pangalawa ang huwag sasaktan si Pangulong Ferdinand Marcos at ang pangatlo ay walang sinumang makukulong sa mga kasapi ng RAM.
Nabanggit ni Commodore Robles na kung susuriin ang naganap matapos ang pag-upo ni Pangulong Corazon Aquino sa Malacanang, laking gulat nila na pinagplanuhan na ng pamahalaan ang pagsasaisang-tabi sa RAM at mga armadong lumahok sa EdSA People Power 1.
Maaaring gumanda ang kalakaran sa pamahalaan kung nagkaroon ng kahit mumunting pagdanak ng dugo upang mapatunayang hindi digmaan ang daan tungo sa magandang kalakaran sa gobyerno.
Marami umano siyang nasaksihan sa kanyang paglilingkod sa pamahalaan bago pa man inilikas ng mga Americano si dating Pangulong Marcos noong huling mga araw ng Pebrero ng taong 1986.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |