|
||||||||
|
||
Australiano, nasugatan sa Marawi City
NASUGATAN ang isang mamamahayag mula sa ABC News – Australia samantalang nagtatrabaho sa Marawi City. Ligaw na bala ang tumama kay Adam Harvey, isang correspondent para sa timog silangang Asia na may tanggapan sa Jakarta, Indonesia.
Lumabas na rin siya sa Amai Pakpak Medical Center matapos magamot at nakasuot ng isang neck brace. Ani G. Harvey, may naramdaman siyang tumama sa kanyang leeg at inakala niyang shrapnel. Maayos naman umano ang kanyang kalagayan.
May balitang tinamaan ng ligaw na bala ang mamamahayag sa samatalang nakikipag-usap sa mga lumikas at kumukuha ng video footage sa loob ng Lanao del Sur capitol complex. Nang makadama ng kakaiba sa kanyang leeg, nagtungo na siya sa klinika ng kapitolyo.
Sumailalim si Harvey sa X-ray at pagsusuri samantalang sinamahan siya ng kanyang mga tauhan.
Hindi pa mabatid kung saan nagmula ang bala na posibleng malapit lamang sa kapitolyo at sa 103rd Infantry Brigade.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, wala naman sa panganib ang mamamahayag matapos tamaan ng ligaw na bala. Naganap ang insidente kaninang umaga.
Maraming mga mamamahayag ang nasa Marawi City upang magbalita ng mga nagaganap doon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |