Maraming bangkay na nakita sa Marawi City
SINABI ni Zia Alonto Adiong, isang politikong tumutulong sa rescue at relief efforts na nakita ng mga nagsilikas na sibilyan ang halos 100 mga bangkay sa pinangyarihan ng madulong sagupaan ng mga kawal at mga armadong Muslim sa nakalipas na tatlong linggo.
Nakakalat umano ang may 100 mga bangkay sa pook ng sagupaan. Ibinalita ng mga kawal na may 290 katao na ang nasawi sa higit sa tatlong linggong sagupaan na kinabilangan ng 206 na armado, 58 mga kawal at pulis at 26 na sibilyan.
1 2 3 4 5