|
||||||||
|
||
Kaligtasan ng mga pasahero, titiyakin
HINDI BALENG MAGALIT ANG MGA TAO. Ayon kay Undersecretary Cesar Chavez ng Department of Transportation, 'di na balling magalit ang mga mamamayan bast's matitiyak ang kaligtasan ng mga tao. Ito ang dahilan sa pagbabawas ng tren sa MRT Line 3. Ipinaliwanag ni G> Chavez na mahalaga ang kaligtasan ng alhat. (Melo M. Acuna)
MATATAPOS NA ANG PAGSUSURI NG MGA BAGON. Tiniyak na masusuring lahat ang mga bagon ng Metro Rail Transit Line 3. Ayon kay General Rodolfo Garcia, general manager ng kumpanya, overtime ang kanyang mga taghan sa pagsusuri sa mga axel ng tren na 17 taon na. Sumasakay ang may 50 hanggang 80,000 katao araw-araw sa MRT Line 3. (Melo M. Acuna)
KAILANGANG suriin ang mga bagon ng mga treng ginagamit ng Metro Rail Transit 3 kaya't nagbawas sila ng biyahe mula kaninang umaga at inaasahang makababalik sa normal na operasyon bukas ng umaga.
Sa isang panayam kay Transport Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez, sinabi niyang mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kahit pa mahihirapan ang karamihan sapagkat bukod sa kabawasan ng mga tren, bumagal pa ang biyahe ng mga nagyayaot sa Epifanio Delos Santos Avenue mula Quezon City hanggang Pasay City.
Tuloy ang safety inspection ng Metro Rail Transit 3 ayon kay retired General Rodolfo Garcia, general manager ng kumpanya. Magdaragdag ng mga bus ang Metro Manila Development Authority at maging Land Transport Franchising and Regulatory Board. Walang bayad ang pagsakay sa mga bus na ito bilang tulong ng pamahalaan sa mga pasahero.
Napuna ng isang tsuper ng tren ang kakaibang ingay at paggalaw ng tren, ng Car 64, kaya't ginawa na ang pagsusuri sa mga sasakyang may 17 taon nang ginagamit ng mula 51 hanggang 80,000 pasahero sa bawat araw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |