|
||||||||
|
||
Pagpatay sa mga manggagamot, kinondena
SECRETARY UBIAL, NANAWAGAN ITIGIL ANG PAGPATAY SA MGA MANGGAGAMOT. Ito ang kanyang mensahe matapos mapaslang ang isang manggagamot sa Dinagat Island noong Huwebes ng gabi. (File Photo/Melo Acuna)
NANAWAGAN si Health Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial sa itigil na ang mga pagpaslang sa mga manggagamot.
Sa isang pahayag na nagmula sa kanyang tanggapan, kinondena ng kalihim ang pagpatay kay Dr. Vicente Soco, provincial health officer ng Dinagat Islands noong nakalipas na Huwebes ng gabi. Naglingkod si Dr. Soco sa Dinagat Islands ng higit sa sampung taon.
Sinabi ni Dr. Ubial na ang pagpatay sa isang manggagamot ay mangangahulugan din ng pagpatay sa 'di mabilang na mamamayan na umaasa sa pagkadalubhasa ng doctor. Maaaring maulila ang mga mahal sa buhay ng manggagamot subalit higit na madarama ang kawalan ng doktor sa komunidad sapagkat mapapasapanganib ang buhay ng mga mamamayan.
Si Dr. Soco ang pinakahuli sa mga pinatay na manggagamot. Noong nakalipas na Marso, napaslang si Dr. Dreyfuss Perlas sa Kapatagan, Lanao del Norte samantalang napatay din si Dr. Sajhid Jaja Sinolinding sa Cotabato City at nabaril at napatay si Dr. George Repique, Jr. ng Cavite noong nakalipas na Hulyo.
Kinondena rin ni Congresswoman Kaka J. Bag-ao ng Dinagat Islands ang pagpatay kay Dr. Soco.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |