Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pari, nailigtas mula sa kamay ng mga Maute

(GMT+08:00) 2017-09-18 18:33:23       CRI

Iba't ibang sektor, magtitipon sa Huwebes, ika-21 ng Setyembre

MAGSASAMA-SAMA ang isang koalisyon ng mga mamamayan sa darating na Huwebes, ika-21 ng Setyembre, kasabay ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa Quirino Grandstand ang iba't ibang grupo upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang mga pagpaslang na nagaganap sa bansa.

WALA KAMING BALAK NA PABAGSAKIN SI PANGULONG DUTERTE.  Niliwanag ni dating Congressman Teddy Casino na walang balak ang kanilang koalisyon na paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte.  Nais lamang nilng itigil na ang mga pagpatay na ayon sa kanila'y paglabag sa batas.  (Melo M. Acuna)

Ito ang niliwanag nina dating Congressman Teddy Casino, Party List Congressman Antonio Tinio, Sr. Mary John Mananzan at dating Chairman of the Board ng BusinessWorld na si Vergel Santos sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat."

PATULOY NA MANANAWAGANG MAGSAMA-SAMA.  Mensahe naman ito ni Congressman Antonio Tinio upang makarating kay Pangulong Duterte na nababahala na ang mga mamamayan sa mga pagpatay sa ngalan ng kampanya laban sa droga.  (Melo M. Acuna)

Niliwanag ni G. Casino na hindi nila layuning pababain sa puesto si Pangulong Duterte kungdi tuldukan na lamang ang mga pagpatay sapagkat nakababahala na ang libu-libong napaslang sa ngalan ng kampanya sa droga.

Ayon kay G. Vergel Santos, walang pagtatangi kung dilaw, pula o anumang grupo basta't ang mahalaga ay ang sama-samang paninindigan laban sa mga paglabag sa batas ng pamahalaan.

Sa panig ni Atty. Jude Sabio, abo Tiniogadong nagreklamo sa International Criminal Court, dinala lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang Davao Death Squad sa Maynila. Naniniwala rin siya sa mga pahayag ng kanyang mga kliyente na sina Edgard Matobato at retiradong SPO4 Arthur Lascanas na may kinalaman ang dating city mayor sa mga nagaganap na pagpatay.

Isang payapang pagtitipon ang magaganap sa Huwebes, dagdag naman ni Sr. Mary John Mananzan, dating pangulo ng St. Scholaastica's College.

Ipinaliwanag ng grupo ang kanilang mga dahilan sa pagsasama-sama sa kanilang manifesto. Sa loob umano ng isang taon, umabot na sa 12,000 mga Filipino na karamiha'y mahihirap ang napapatay sa kampanya laban sa droga. Ang malawakang kampanya ng militar at pulis laban sa mga Muslim at sinasabing mga terorista ay dahilan ng paghihirap ng non-combatants.

Kabilang sa kanilang kinokondena ang panggigipit sa pamamagitan ng impeachment laban sa chief justice ng Korte Suprema at sa Ombudsman, pagbibigay ng mumunting budget sa Commission on Human Rights at pagtatangkang busalan ang media.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>