Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Paris kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kasalukuyang lumalalim ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito aniya'y makakatulong sa ibayo pang pagpapasulong ng kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Ipinahayag ng Pangulong Tsino na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Rusya, para mapahigpit ang pagtutulungan laban sa terorismo at pangalagaan ang komong interes ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Pangulong Putin ang pagsang-ayon sa pagpapahalaga ni Pangulong Xi hinggil sa relasyong Sino-Ruso. Aniya, sa masalimuot na kalagayang pandaigdig, nakahanda ang Rusya na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagtutulungan sa pakikibaka laban sa terorismo, at magkasamang pangalagaan ang demokratikong pag-unlad ng relasyong pandaigdig.